-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tiwala si Cong. Junie Cua ng Quirino na higit na pagtutuunan ng pansin ang paghimay sa pambansang pondo para sa 2022 sa gitna ng mga isyu ngayon sa pondong nailaan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Isa sa usapin ngayon ay ang pagbatikos ni Senador Nancy Binay sa planong pagtaas sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ( NTF-ELCAC) at babawasan din ang pondo na inilaan sa Research Institure For Tropical Medicine (RITM).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Cong. Cua na bagamat hindi pa niya narinig ang ebedeniya ni Senador Binay sa pagtutol sa mga inilaang pondo sa mga nasabing ahensiya ay dadaan pa rin sa proseso at tiyak na mahihimay ito ng maayos lalo na at may mga pondong inilaang sa mga ahensiya na hindi naman nagamit na maaring ilaan sana sa mga ahensiyang higit na nangangailangan.

Anya ang nakalaang pondo sa NTF-ELCAC ay development fund na kailangang magtuloy tuloy pangunahin na sa mga lugar na apektado ng insurhensiya.