-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagtipon-tipon ang pinakamagagaling na mga swimmers mula sa iba’t-ibang parte ng bansa sa kakatapos lamang na 2022 Philippine Swimming Inc. Long Course Grand Prix Qualifying Series na isinagawas sa Governor Douglas Ralota Cagas Sports and Business Complex sa Matti, Digos City, Davao del Sur.

Sa tatlong araw na kompetisyon, nagpakitang-gilas ang mga swimmers sa iba’t-ibang disiplina sa sport na swimming.

Personal na sinaksihan ni Filipino-Canadiantwo-time Olympic Medalist at kasalukuyang Philippine National Team Member na si Kayla Sanchez ang finals kahapon.

Nagpapasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng probinsya sa Philippine Swimming Inc. na ang Davao del Sur ang kanilang napiling venue sa nasabing sporting event.

Isa ito sa malaking hakbang upang ma-promote ang Sports Tourism sa probinsya.