-- Advertisements --
Magiging sagabal umano sa pagtutulak ng Charter change (Cha-Cha) ang darating na 2022 presidential elections.
Ito ang paniniwala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, kasunod ng muling pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapalitan ang saligang batas, na ginawa pa nitong hamon sa mga bagong lider ng Kongreso.
Pero sa ngayon ay hindi pa umano maaaring mabilang ang mga papabor at kokontra sa Cha-cha dahil marami pang maaaring mangyari.
Tiyak umanong sa mga tatakbo sa presidential race ay magiging malaking factor ang isyu ng pagpapalit ng saligang batas dahil sa mga nakalipas na survey ay mas maraming Filipino ang mariing tumututol dito.