-- Advertisements --
NAGA CITY- Binigyaan diin ni Vice President Leni Robredo na posible ang kanyang pagtakbo sa Presidential election ngunit hindi pa ito bahagi ng binibigyang prioridad at paghahanda sa ngayon.
Sa pagharap ni Vice President sa mga kagawad ng media sa Naga City, sinabi nitong malayo pa ang Presidential election kung kaya wala pang puwang ang paghahanda para rito.
Ayon kay Robredo, ang mga kasalukuyang problema sa bansa at mga isyu ang nangangailangan aniya ngayon ng paghahanda.
Aniya, sa loob ng tatlo pang taon, marami pa ang pwedeng mangyari at mabago.
Sa kabila nito, ayon sa Bise Presidente, kung sakaling bumuti na ang kalagayan ng bansa sa mga susunod na taon baka maging posible na aniya ang naturang usapin.