-- Advertisements --
bar examinees SC 2

Magsisimula na bukas September 17, 2023 ang 2023 Bar Examination sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa anunsyo ng Supreme Court sa pamamagitan ng Office of the 2023 Bar Chair, inaasahan nilang aabot sa 10,816 candidates ang kukuha ng naturang eksaminasyon bukas.

832 dito ay kukuha ng Bar Examinations sa unang pagkakataon habang 4, 984 ang kukuha ng parehong pagsusulit sa pangalawang pagkakataon.

Tinatayang aabot naman sa 2,571 Bar personnel ang ipapakalat sa buong bansa sa mga National Headquarters at 14 Local Testing Centers.

Layunin nitong masiguro ang maayos at matiwasay na pagsasagawa ng 2023 Bar Examinations.