Unmodified opinion ang ibinigay ng Commission on Audit sa unang taon na operasyon nito o sa kanilang 2023 Financial Statements.
Ang ganitong uri ng opinion ay ibinibigay ng Commission on Audit kapag maayos na inihahanda ang financial statement ng isang ahensya.
Pasok rin ito sa naturang category kung ang financial statement ng isang departamento ng gobyerno ay naaayon sa financial reporting framework.
Sa isang pahayag, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, ang nakuha nilamg feedback mula sa COA ay nagpapakita lamang ng dededikasyon at integridad ng ahensya na makatulong sa mga nangangailnangang OFWs.
Dagdag pa ng kalihim,nagpapatunay lamang ito na ginagasta nilang ng maayos ang pondo ng bayan.
Batay sa tala, ang DMW ay mayroong P1.2 bilyon na AKSYON Fund.
Nakalaan ang halagang ito para sa pagbibigay ng legal, pinansyal at medical na assistensya sa mga OFWs.
Nangunguna rin ang ahensya sa pag-aalok ng mga kaukulang programa para sa kabuhayan, pagsasanay, at skills development ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.