-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isinagawa ang pagpupulong bilang paghahanda sa pag balangkas ng 2024 Annual Investment Program (AIP) ng mga panukalang programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato para sa susunod na taon.

Kabilang sa mga mahahalagang bagay na tinalakay sa naturang aktibidad ay ang, budget process, AIP forms na gagamitin sa mga panukalang kabilang sa tatlong sektor ng AIP, ito ay ang: General Public Services, Social Services, at Economic Services upang madaling matukoy kung ano-ano ang mga proyekto na kailangan ng agarang tugon at iba pa.

Ang naturang aktibidad na dinaluhan ng pamahalaang panlalawigan department heads, division heads at program/project focal persons ay isinagawa sa Governor’s Cottage, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City sa pangunguna ng Office of the Provincial Planning and Coordinator.