Opisyal ng umarangkada ngayong araw ng Linggo, September 8 ang 2024 Bar Examinations.
Hinatid ng kani-kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang mga aspiring lawyers sa isa sa mga testing centers sa Quezon City at Manila.
Ang mga aspiring lawyers ay may kaniya-kaniyang mga supporters kung saan bitbit ang mga tarpaulins at mga baloons.
Ayon sa Supreme Court nasa 12,246 applications para sa 2024 Bar Examinations ang kanilang natanggap.
Ang examination ay naka iskedyul sa September 8, 11 at 15.
Batay sa monitoring ng SC maaga pa lang ngayong araw nagsidatingan ang mga bar examinees sa mga local testing centers dito National Capital Region.
Sinabi ng Supreme Court mayruong 13 local testing centers sa buong bansa para sa bar examination.
Dito sa Metro Manila, ilang mga kalsada ang isinara dahil sa ginaganap na examination.