-- Advertisements --

speaker

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na tatapusin ng House of Representatives ang panukalang 2024 national budget at ang mga priority measures ng administrasyong Marcos bago matapos ang taon.

Siniguro ni Speaker Romualdez hindi mag-aaksaya ng oras at agad na pagtutuunan ng pansin ng Kamara ang panukalang P5.768 trillion 2024 National Expenditure Program (NEP) gayundin ang natitirang priority measures na napagkasunduan sa ikalawang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“Mas lalong magta-trabaho ang inyong Kamara de Representantes sa pagbubukas ng 2nd Regular Session nitong kasalukuyang buwan na ating sisimulan sa SONA ng ating Pangulong Marcos. With our firm commitment to approve the remaining priority measures agreed upon during the LEDAC meetings, various House panels will continue working during committee deliberations of the proposed 2024 NEP,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez, sa sandaling magsimula na ang Kamara sa kanbilang plenary deliberations para sa national budget, magpapatuloy din ang mga house committee na magpasa ng mga mahahalagang panukala.

Siniguro naman ni Speaker Romualdez na maghihimay ng mabuti ang mga panukala bago ito aprubahan.

“If members of the House of Representatives will work with the same passion and vigor they exhibited during the First Regular Session, I have no doubt that we can do better this time around,” pahayag ni Romualdez.

Sa pagbubukas naman ng 2nd Regular Session sa Hulyo 24 ay agad tatrabahuhin ng Kamara ng P5.768 trillion budget para sa susunod na taon at ang 20 LEDAC pet bills.

Handa aniya ang Kamara na pagbutihin ang kanilang sistema at proseso upang makapagpasa ng mga panukala at resolusyon gaya noong 1st regular session habang ginagampanan din ang kanilang oversight function.

“Processes and systems can always be improved. I believe there are still better ways we can perform our mandate of legislation without sacrificing the quality of our work,” wika ni Speaker Romualdez.