-- Advertisements --
Tiniyak ng House of Representatives na maaprubahan nila ang 2024 budget bago ang kanilang ikalawang break sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na kaya nilang mabilis na maaprubahan ang P5.7 trillion na 2024 national budget bago ang recess nila sa ikalawang regular session sa buwan ng Oktubre.
Dagdag pa nito na plano rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na isumite ang budget propeosal matapos ang kaniyang ikalawang State of the Nation Address ngayong araw.
Ipinagmalaki nito na ang nasabing mga budget ay nakalaan karamihan para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa.