Kasado na ang 2024 NBA all-star game starters na gaganapin sa Indianapolis sa susunod na buwan.
Sa panig ng Western Conference pangungunahan ni NBA all-time scorer Lebron James habang si Giannis Antetokounmpo sa ang mangunguna para ibandera ang Eastern Conference.
Kasama ni Lebron sa Western Conference starters sina Denver Nuggets center Nikola Jokic, Phoenix Suns forward Kevin Durant, Dallas Mavericks guard Luka Doncic and Oklahoma City Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander.
Makakasagupa nila ang Eastern Conference sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo kasama sina Philadelphia 76ers center Joel Embiid, Boston Celtics forward Jayson Tatum, Indiana Pacers guard Tyrese Haliburton at Bucks guard Damian Lillard.
Samantala, gumawa naman ng kasaysayan si Lebron James matapos mapili uli bilang all-star kung saan siya ang naging kauna-unahang manlalaro na nakapaglaro sa ika-20th all-star game.
Gaganapin sa Pebrero 18, 2024 sa Gainbridge Field House sa Indianapolis at ito ang ika-73rd edisyon ng NBA All-Star.