-- Advertisements --

Naglabas ang Philppine Postal Corporation (PhilPost) ng “2024 Year of the Wooden Dragon” stamps, sa pagpasok ng bagong taon.

Nagprint ang PhilPost ng 20,000 na piraso ng regular stamps na nagkakahalagang Php16 at Php45.

Naglabas din ang ahensya ng 2,500 na limited collector’s item stamps na mabibili ng Php200 para sa souveneir sheets.

800 na kopya naman ang nilabas ng Philpost para sa first-day cover envelopes.

Naniniwala si Postmaster General Luis Carlos na ang Year of the Wooden Dragon ay makakapag-hatid ng mga bagong opurtunidad, kasabay ng pagtatayo ng PhilPost ng mga Barangay Postal Stations sa bansa para sa mas mabilis at epektibong delivery.

The implementation of the new seven-digit alphanumeric new Zip Code PH from the old four-digit that will standardize addressing system in the country; and, the Real Time Visibility system to modernize the delivery and efficiency of its mail operations,” ayon kay Carlos.

Mabibili ang mga naturang stamps sa Manila Central Post Office Annex Bldg. sa Lawton.

Photo courtesy from PhilPost.