Saklaw ng 2025 national badyet ang pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Kongreso na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
Ito ang binigyang-diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon sa lider ng Kamara maituturing na “significant milestone” ang paglagda ni Pangulong Marcos 2025 General Appropriations Act.
Nagpadalamat si Speaker Romualdez kay Pangulong Marcos sa pamumuno nito at sa kanyang mga kasama sa Kongreso na walang kapagurang nagtrabaho upang matapos ang badyet.
“This budget reflects our united effort to ensure that government programs truly serve the people,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Romualdez ang napapanahon na paglagda ni Pangulong Marcos sa GAA, ay tumitiyak na hindi mababalam ang operasyon ng gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailangan ng bansa.
Ipinagmalaki rin ni Speaker Romualdez ang pakikiisa at kontribusyon ng Kamara sa paghubog sa badyet na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
“This reflects our commitment to transparent, accountable governance focused on delivering meaningful results,” mensahe ni Speaker Romualdez.