-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Senate President Francis Escudero na ang taunang general appropriations act, simula sa 2025 na bersyon, ay dapat na climate adapted at climate resilient. 

Kasunod na rin ito ng panamalasa ng bagyong Kristine sa bansa na kumitil ng maraming buhay.

Bagama’t aniya madaling manisi kung anong ahensya ang responsable sa binigay na epekto ng bagyong Kristine, sinabi ni Escudero na mas mainam na maghanda sa hinaharap na banta ng kalamidad. 

Inaasahan naman ng liderato ng Senado na pagdedebatehan sa plenaryo ang isyu sa flood control. 

Higit sa paglalaan nang malaking pondo, sinabi ni Escudero na ang paggasta ay dapat i-target at batay sa aktwal na pananaliksik at datos upang matiyak na magiging epektibo ang mga flood control programs.