-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion.

Mayroong 18 boto ang pumabor at wala ang komontra at isang abstention.

Una rito ay sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 2025 budget bilang urgent kay ipinasa na ng Senado ito sa ikalawa at ikatlong pagbas sa loob ng isang araw.

Ipinaliwanag ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang pag-abstain niya dahil sa hindi ito sang-ayon sa desisyon ng kapwa niya mambabatas.

Dagdag pa nito na kailangan muna na magkaroon ng emergency na marapatang pagsertipika ng pangulo.

Habang ang kapwa minority senator na si Senator Risa Hontiveros ay nagpaliwanag kaya pumabor siya ipasa ang budget.

Sinabi nito na nadagdagan ang budgets para sa mga Inter-Agency Council against Trafficking, and the National Coordination Center Against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children and Child Abuse and Exploitation Materials.

Tinanggal din ng Senado ang P39.8 bilyon na alokasyon para sa Department of Social Welfare and Development na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at ito ay isinali na sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ang AICS kasi ay siyang pinagdebatihan sa pagitan ng House of Representatives at Senate noong bicam dahil isiniksik umano ng house leader ang AKAP sa DSWD ng walang kaalam-alam ang ilang senador.

Nadagdagan din ang budget ng Philippine National Police para sila ay makapagtayo ng 54 na police sation sa iba’t-ibang local government units.