-- Advertisements --

Nakatakdang mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 2025 national budget bago mag-Pasko.

Sinabi ni Presidential Legislative Liaison Office chief Mark Llandro Mendoza na ang spending bill ay isa sa mga apat na panukala na ang administrasyon ay mapirmahan bago magtapos ang taon.

Hindi naman nito binanggit kung anong mga panukala ang maaaring mare-enact ngayong taon basta sinabi lamang niya na ang mga ito ay dumaan sa bicameral conference committee.

Ang bicameral conference commitee ay binubuo ng walong miyembro ng Senado at 16 na miyembro ng House of Representatives na sila ang nag-re-reconcile sa mga kumplikadong probisyon ng bersiyon ng panukala mula sa House at Senado.

Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na maaring maipasa na ang P6.352-trillion na 2025 national budget bago mag-Pasko.