-- Advertisements --

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong araw ang para isabatas ang 2025 national budget.

Ang nasabing pagpirma ay matapos ang 10 araw ng ipasa ng kongreso ang P6.352-trillion budget bill.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Cesar Chavez na ang nasabing budget ng 2025 ay na-refocused sa eight-point socioeconominc agenda ng pangulo.

Ang eight-point socioeconomic agenda ay para iangat ang economic setbacks ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Pangunahing socioeconomic agenda ng bansa ay palakasin ang quality jobs at competitive products at mapalakas ang ekonomiya.

Sa pagpirma ng pangulo ng national budget ngayong taon ay maiiwasan ang reenacting ng nakaraang spending program na siyang magpapaantala ng pagpapatupad ng mga pangunahing proyekto.

Una ng nilinaw ng MalacaƱang na ang pag-re-enact ng budget ay hindi prioridad ni Pangulo at ang kaniyang economic team.