-- Advertisements --
Aabot sa P6.35 trillion ang panukalang 2025 national budget ng bansa.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman na ito ay 10.1 percent na mas mataas noong 2024 budget na mayroon P5.767-T.
Dagdag pa nito na may malaking bahagi ng budget ang sektor ng edukasyon, health, social protection at agriculture.
Depensa pa nito na kaya mas mataas ito ng 10.1 percent dahil sa ito ay nataon sa midterm elections sa susunod na taon ganun din ang mas mataas na National Tax Allotment at ang bagong batas na nagtataas sa allowances ng mga guro.
Nakatakdang ipresenta ito sa Hulyo 2 sa cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ipipresenta sa Kongreso sa Hulyo 29 isang linggo matapos ang State of the Nation Address ng pangulo.