-- Advertisements --
Wala pang sampung minuto, inaprubahan na sa committee level ng Senado ang panukalang P10.5 billion na panukalang pondo ng Office of the President.
Pasado alas 10:30 na nang magsimula ang pagdinig kung saan inilatag ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang panukalang pondo ng tanggapan ng pangulo.
Dito na iminungkahi ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada bilang parliamentary courtesy ay aprubahan na sa committee level ang panukalang P10.506 Bilyon 2025 budget ng tanggapan ng punong ehekutibo.
Sinegundagan naman ni Finance Committee Chairman Senadora Grace Poe ang naturang kahilangan ni Estrada kung saan wala pang sampung minuto ay lusot na ang budget ng Office of the President.