Tinapos nitong Lunes ng Kamara de Representantes ang plenary interpellation sa panukalang 2025 budget ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).
Kinuwestiyon ni Gabriela Party list Rep. Arlene Brosas ang P14.8 milyong inilaan sa Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) cluster at red tagging allegations ng NICA.
Nagpahayag namn ng pag aalala si Kabataan Party list Rep. Raoul Manuel sa mga alegasyon ng red tag sa iba’t ibang organisasyon sa pamamagitan ng ilang forum. Nagpahayag pa siya ng pagtutol sa budget ni NICA dahil sa hindi nalutas na red tagging concerns.
Nilinaw naman ng NICA budget sponsor, si vice chairperson ng committee on appropriations at General Santos City Rep. Loreto Acharon Acharon, itinanggi na nagpa practice ng red tag ang NICA.
Sinabi ni Acharon kabilang sa panukalang P2.19 bilyong budget ng NICA ang P798.87 milyon para sa personnel services, P1.2 bilyon para sa maintenance at iba pang gastusin sa operasyon, at P109.47 milyon para sa capital outlay.
Itinaguyod din ni Acharon ang panukalang P887.141 milyong badyet ng NSC, na sumasalamin sa 6% na pagtaas mula sa nakaraang taon, na naglalayong palakasin ang pambansang seguridad.
Tinanong naman ni Brosas ang paggamit ng mga kumpidensyal na pondo ng ahensiya.
Sinabi ni Acharon na ginugol ito sa mga pagsisikap laban sa terorismo, West Philippine Sea, foreign investment act, 360 degree archipelagic governance at kritikal na proteksyon sa imprastraktura, na umaabot sa P250 milyon.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Manuel sa paghawak ng NSC sa disinformation na sinimulan ng gobyerno ng US noong panahon ng COVID 19 pandemic, habang nananawagan din na tanggalin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Itinaguyod din ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang panukalang P7.095 bilyong budget ng OPAPU ay kinabibilangan ng P5 bilyon para sa mga proyektong pang imprastraktura sa ilalim ng programang Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA), P895 milyon para sa normalisasyon para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at P160 milyon para sa lokal na peace and engagements sa mga programang transpormasyon, bukod sa iba pa.
Walang interpellator ang P118.491 milyong panukalang budget ng PLLO na itinaguyod ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co sa plenaryo