-- Advertisements --

Pinauwi ng Philippine Consulate General ang 203 Filipino mula sa Macau Special Economic Region, ayon sa ulat ng Foreign Affairs Department.

Ang mga Pinoy ay umuwi noong Pebrero 16, 2022.

Kabilang sa kanila ang tatlong pasaherong naka-wheelchair na naospital kamakailan sa Macau.

Mula nang magsimula ang pandemya ng COVID-19 noong unang bahagi ng 2020, ang Consulate ay nag-organisa ng 27 repatriation flights na nakapag-uwi ng kabuuang 5,355 Pilipino mula sa Macau.

Pinangunahan ni Philippine Consul General to Macau SAR, Porfirio M. Mayo Jr., ang Consulate’s Team sa airport para tulungan ang mga pasahero sa flight.

Tiniyak din ni Consul General Mayo na magpapatuloy pa ang Repatriation Program ng Konsulado para sa lahat ng mga kababayan na nasa Macau.

Ang mga Pilipinong gustong bumalik sa Pilipinas ay hinihiling na irehistro ang kanilang mga detalye sa online registry ng Konsulado.