-- Advertisements --

Posibleng ideklara ng Commission on election bilang mga nuisance candidates ang nasa 205 aspirants para sa national positions sa 2022 elections.

Ayon kay Education at Information Department (EID) Assistant Director Elaiza David, mayroong 82 petisyon na inihain para ideklarang nuisance candidates na tumatakbo sa pagkapangulo, 15 naman sa posisyon ng pagkabise-presidente at 108 para sa mga senatorial candidates.

Nauna nang naghain ang poll body ng motu propio para sa deklarasyon ng mga nuisance candidates.

Nakasaad sa ilalim ng Section 69 ng Omnibus Election Code na maaaring kanselahin ng komisyon ang certificate of candidacy sa pamamagitan ng motu propio o isang verifed petition ng isang interested party.

Batay sa naitala ng Comelec na naghain ng certificate of candidacy mula October 1 hanggang October 8 na bilang ng mga aspirants para sa May 2022 elections, nasa kabuuang 97 para sa pagkapangulo, 29 sa pagkabise-presidente at 176 bilang senador.

Nasa kabuuang 270 naman ang partylist groups na naghain ng certificates of nominaton at acceptance (CONA).