-- Advertisements --

DAVAO CITY – Magkasunod na tatlong sunog tumupok sa 205 na mga kabahayan at mga tindahan sa ibat-ibang mga lugar sa Davao.

Naganap ang unang sunog alas 8:30 nitong Huwebes ng umaga sa Dumalag na kung saan 135 na mga kabahayan ang natupok at umabot sa 163 na mga pamilya ang apektado at nasa evacuation center na sa lugar.

Isang 80 taong gulang na lola at anim na mga magkapatid ang pinaniwalaang na-trap sa mga nasusunog na mga kabahayan.

Di nagtagal napag-alaman na ang matanda sa ibang bahay natulog at di sa natupok na bahay samantalang ang anim na magkapatid na 11 taong bulang at 2 taong gulang ang bunso.

Ang pangalawang sunog naganap pasado alas 11:00 kaninang umaga.

Umabot sa 70 kabahayan at mga tindahan ang natupok sa nasabing sunog.

Isang bata ang pinniwalaang na-trap na kalaunang natagpuan ang batang listas sa Barangay Hall ng Sto. Nino, Mintal, ning lungsod.

Ang pangatlong sulog ay naganap sa Panacan, nitong lungsod.