LAOAG CITY – Aabot sa 207 na pasaheros at pitong crew ang apektado matapos mag-emergency landing sa Laoag International Airport ang eroplano ng VietJet Air na galing sa Incheon, South Korea na patungo sana sa Phu Quoc, Kien Giang Vietnam.
Ayon kay Mr. Ronald Estabillo, ang CAAP Manager ing Laoag International Airport, technical problem umano ang dahilan kung bakit nag-emergency landing ang eroplano sakay ang mga Koreans.
Sinabi nito na ang Laoag International Airport ang pinakamalapit na paliparan kung galing sa Incheon, South Korea patungong Vietnam dahila para dito sila nag-emergency landing at humiling ng assistance.
Inihayag ni Estabillo na hihintayin nila nga rescue airplane na manggagaling sa Vietnam at dito sasakay ang mga psasharos patungo sa kanilang destinasyon at ang mismong eroplano ay mananatili sa Laoag International Airport hanggang maayos.
Nabatid na matapos ang pag-emergency landing ng eroplao ay nakipag-ugnayan agad sila sa Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at sa pamahalaan ng Ilocos Norte.
Napag-alaman pa na inalok ng pamahalaan ng Ilocos Norte ang mga dayuhan na mamasyal muna sa lalawigan kung saan may mga inihanda pang mga bus na sasakyan sana nila pero hindi umano pumayag ang airline company.
Samantala, siniguro naman ni Estabillo ang seguridad ng mga pasaheros at crew habang hinihintay nila ang rescue airplane.