Mahigit na naman sa 20,000 ang panibagong mga COVID-19 cases ang naidagdag sa record sa Pilipinas.
Ito ay makaraang iulat ngayon ng Department of Health (DOH) ang 20,745 na karagdagang dinapuan ng virus sa bansa.
Nasa ikaanim ito na pinakamataas na daily tally mula nang magsimula ang pandemya.
Ang naturang bilang din ang ikatlong sunod na araw na mahigit sa 20,000 ang naire-record sa Pilipinas.
Dahil dito mula noong nakaraang taong ay nasa 2,248,071 na ang mga nahawa sa COVID-19 bansa.
Bunsod nito, lalo namang lomobo ang mga aktibong kaso ngayon o mga pasyente na nasa 180,293.
Habang mayroong limang mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Marami rin naman ang naitalang bagong gumaling na umaabot sa 22,290.
Sa kabila nito nasa 163 ang mga bagong pumanaw bunsod pa rin sa deadly virus.
Ang kabuuang death toll sa bansa ay nasa 35,307 na.
Sa ngayon ang ICU bed occupancy rates sa Pilipinas ay nasa 74% habang ang NCR naman ay nasa 78% o nanatili pa rin sa high-risk status.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 11, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.2% sa lahat ng samples na naitest at 1.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” ani DOH sa advisory.
Samantala, patuloy pa rin naman ang babala ng DOH na sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19.
Ang pagsunod pa rin sa minimum public health standards ang maiging dapat na gawin at ang pagbabakuna bilang bahagi sa pinakamabisang depensa sa virus.