-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na aabot sa 208 na mga social media pages ang na monitor nito na nagbebenta ng mga paputok.

Mula sa naturang bilang, aabot na sa 115 pages na ang natake down ng kanilang grupo.

Kaugnay nito ay naaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang dalawa pang individual na nagbebenta ng paputok online.

Ito ay matapos na magsagawa ang mga otoridad ng entrapment operation sa San Fernando, Pampanga.

Ayon kay PNP-ACG director Police Brigadier General Bernard Yang, ang mga nahuling indibidwal ay nagbebenta ng mga ilegal na paputok online.

Mula Disyembre 6 hanggang 26 , naaresto na ng pulisya ang nasa sampung indibidwal dahil sa pagbebenta ng naturang uri ng paputok.