DAVAO CITY – Nananatiling apektado ngayon ang ilang siyudad ang munisipalidad ng Davao region sa African Swine Fever (ASF) kung saan sa kasalukuyan ay umabot na ito sa 209 na mga barangay.
Ang nasabing mga lugar ay mula sa 40 na mga siyudad at munisipalidad sa rehiyon.
Ayon kay Armie Capuyan, ASF focal person ng Department of Agriculture (DA)-11 na ilan sa mga lalawigan sa Davao region na apektafo ngayon ng ASF ay kinabibilangan ng San Isidro Davao del Norte, New Bataan at Monkayo sa Davao de Oro, Bangaga, Lupon, Mati at Caraga.
Plano ngayon ng ahensiya na maglagay ng mga sentinel pigs sa mga lugar na una ng nakapagtala ng ASF para agad malaman kung maaari ng makapagsawa ng repopulation ang mga hog raisers.
Mula ng maitala ang unang kaso ng ASF sa rehiyon, nasa 47,647 na mga alagag baboy ang isinailalim sa culling o pagpatay.
Patuloy naman ngayon ang isinasagawang disease and surveillance monitoring sa mga LGUs ng rehiyon.