MANILA – Nasa 209,456 na mga Pilipino na ang naka-kumpleto sa pagtanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.
LOOK: DOH says about 209,000 individuals have completed receiving two doses of COVID-19 vaccines.
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 21, 2021
All of the 3.25-million doses of the country have been distributed to more than 3K vaccination sites. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/A1MzB9Z9yB
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) at National Task Force against COVID-19, batay sa pinakabagong vaccine statistics ng pamahalaan.
“12% of the 1,780,400 allocated second doses have already been administered, equating to 209,456 administered doses.”
As of April 20, higit 1.353-million naman ang naturukan ng unang dose.
“76% of the 1,780,400 allocated first doses have already been administered, equating to 1,353,107 administered doses.”
Sa kabuuan, higit 1.562-million doses ng COVID-19 vaccines na raw ang naiturok ng pamahalaan mula sa alokasyong higit 1.780-million doses.
Ayon sa DOH at NTF, naubos nang maipamahagi ang kabuuang supply ng bansa na 3.25-million sa 3,263 vaccination sites.
Sa kasalukuyan, niro-rolyo pa lang ang mga bakuna sa A1, A2, A3 priority group, o mga healthcare workers, senior citizens, at may comorbidity.
Hinihimok naman ng ahensya ng mga hindi pa nababakunahan pero pasok sa naturang mga sektor, na magpa-rehistro na para mabigyan ng libreng bakuna
“While the government is currently vaccinating those in priority groups A1 to A3, everyone is urged to get vaccinated when its their turn in order to get protected against the severe form of COVID-19.”