Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na darating sa bansa sa Agosto ang 20,000 na initial batch ng automated counting machines mula sa South Korean firm na Miru na gagamitin sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec chair George Garcia, nasa full speed ang poll body sa paghahanda para sa national at local elections sa susunod na taon.
Umaasa din ang poll body na bago mag-Disyembre, makukumpleto na ang paghahatid ng 110,000 AVM na sinimulan na ng Miru na i-produce noong nakalipas na 2 linggo.
Papalitan ng bagong mga makina ang 97,000 vote counting machines na binili mula sa Smartmatic na ginamit noong nakalipas na 3 halalan sa bansa.
Ipinaliwanag din ni Garcia na dapat masunod ang timeline para sa pahahanda sa 2025 midterm elections dahil 2 halalan ang gaganapin sa susunod na taon. Limang buwan kasi pagkatapos ng May 12, 2025 national at local elections, magsasagawa din ang poll body ng barangay at Sangguniang kabataan elections sa Disyembre 2025.