DAVAO CITY – Inalalala kahapon, ika-3 ng Abril, ang ika-dalawampung taong anibersaryo ng nangyaring pagpapasabog ng dating Francisco Bangoy International Airport o mas kilala na Old Davao Airport Bombing, na nangyari dito sa Davao City.
Kasabay ng paggunita nito ay ang idinaos na banal na Misa na na isinagawa sa Sasa Wharf, na dinaluhan ng mga pamilya ng mga namatay sa naturang insidente noong taong 2003.
Nag-alay din ng bulaklak, kandila, at panalangin ang bawat naiwang pamilya sa mismong pinangyarihan ng pagsabog.
Dinaluhan din ito nila Vice Mayor Atty. J. Melchor Quitain Jr., Task Force Davao Commander Colonel Darren Comia, mga kawani ng ahensya ng gobyenrno, at mga myembro ng barangany council.
Napag-alaman na nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Davao City para sa 127 miyembro ng pamilya ng mga biktima, kung saan 14 sa mga benepisyaryo ay matagumpay na nakatapos ng kolehiyo.
Matatandaang nangyari ang pagpapasabog ng paliparan noong Abril 2, 2003 na kumitil ng 22 katao at 155 ang bilang ng naitalang sugatan.