-- Advertisements --

BUTUAN CITY- Patuloy pang inaalamng mga awtoridad, lalo na ang pamilya ng biktima, ang dahilan ng pagpapakamatay nito sa kanyang kwarto.

Nakita na lamang ng kanyang kasamahan sa bahay na nakasabit na lamang kaninang umaga bandang alas 8 gamit ang lubid ng duyan.

Kinilala ang biktima na si Valdavid Durias, 21, isang estudyante ng Grade 12 gayundin residente ng P5-A Bargy. Tagabaca nitong lungsod.

Aniya, mismo ang kasamahan nito sa bahay ang nakakita na kinilala din sa pangalan nga Gerson Tantuan Luzon, kung saan nagluluto ito sa ibabang bahagi ng kanilang bahay, ngunit makalipas ang ilang oras, hindi pa bumababa ang binata at ng sinuri ito, dito na nalaman na nakasabit na ito sa itaas na bahagi ng kanilang bahay.

Tumawag pa ito kaagad sa ina ng biktima upang mailabas ang binata mula sa pagkakabitay ngunit hindi na ito natulungan dahil wala na ito buhay.

Agad na rumesponde ang pulisya sa insidente partikular ang Police Station 4 upang siyasatin ang dahilan gayundin ang Scene of the Crime Operatives o SOCO-Butuan ngunit hanggang sa pagkuha ng balitang ito, wala pang nakitang dahilan ang mga awtoridad para magpakamatay ang biktima.

Habang sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan sa ina ng biktima na si Rowena Durias, sinabi nito t na hindi pa nila alam kung ano ang problema ng kanyang anak dahil maayos ito at hindi ito palaging naglalabas.

Aniya, nagulat lamang din sila sa naging nangyari sa kanyang anak.

Kasalukuyang nagsasagawa na g mga pagsisiyasat ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagpakamatay sa silid kung saan siya natulog, lalo na at nananatiling blangko ang mga awtoridad sa posibleng sanhi ng pagkamatay ng biktima.