-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakatala ang Butuan City ng pinakaunang pagbigti ngayong 2023 kung saan sa pagkakataong ito, isang sacristan ang biktima.

Base sa report ng Butuan City Police Station-4, naganap ang insidente sa Purok-2, Barangay Salvacion nitong lungsod noong Enero 10 sa alas 3:00 ng umaga ngunit kahapon pa lamang sa ala1:00 ng hapon napaabot sa pulisya.

Nakilala ang biktima na si Roel Purisima Librero, 21-anyos, binata, grade 11 student na sakristan sa Romano Katoliko. Napag-alamang ang ama mismo na si Ruben Burias Librero, 52-anyos, isang carpentiro, ang nakadiskubre sa kaniyang anak na nakabitin na sa loob ng kaniyang silid gamit ang pulang cord sa kaniyang sotana na tinatayang 3 metro ang haba.

Patay na umano ang biktima nang nakuha ng ama habang naniniwala itong walang foul play ang pagkamatay sa anak.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima ay nakabuntis sa isang babae na nakatakda nang manganak ngayong Marso 2023.

Nag-request na rin ang Butuan City Police Station-4 ng Post Mortem Examination sa bangkay na nasa punerarya sa Barangay Maon, Butuan City.