-- Advertisements --
Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na dapat magpaturok ang mga tao ng dalawang doses ng Pfizer at BioNTech vaccine sa loob ng 21-28 araw.
Ayon kay Alejandro Cravioto, chairman ng WHO’s Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE), na ang rekomendasyon ay epektibong paraan para hindi na madapuan ng COVID-19 ang isang indibidwal.
Pinayuhan din nila ang mga bansa na dapat ay mayroong paraan ang mga ito na isagawa agad ang dalawang pagbabakuna na hindi na lalagpas ng anim na linggo.
Maaari rin aniyang ma-delay ang pagpapaturok ng ikalawang dose ng Pfizer para magkaroon ng maraming bilang ng mga tao na matuturukan ng bakuna.