Nasa 21 mga armas ng personal assistant ng puganteng pastor na si Apollo Quiboloy ang isinuko sa pulisya sa Davao City.
Sa ulat ng Philippine National Police ay inihayag nito na nakapangalan ang naturang mga armas sa naturang Personal Assistant ni Quiboloy na si Cresente Chavez Canada na nagsisilbi rin bilang kapitan ng Barangay Tamayong.
Anila, isinuko ang mga ito sa pamamagitan ng abogado nito sa KOJC Compound sa may Phil-Japan Friendship Highway sa Barangay Sasa nitong araw ng Sabado, Mayo 25, 2024.
Kung maaalala, una rito sumuko na rin si Canada sa mga otoridad kaugnay pa rin sa kasong kinakaharap nito na paglabag sa Republic Act 7610 o ang Anti-Child Abuse Law, ngunit hindi rin nagtagal ay nakalaya rin matapos siyang makapagbayad ng piyansa.