CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng financial assistance o ayuda na may kabuohang halaga na P6,520,000 mula DSWD Sustainable Livelihood Program ang abot sa 21 asosasyon ng Lungsod ng Kidapawan.
Ipinamahagi ang ayuda ng City Government ng Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang mga myembro ng Sangguniang Panlungsod.
Kabilang sa nabigyan ng SLP ang mga sumusunod na asosasyon: 1. Agcasan San Isidro PAMANA (P300,000), 2. United As One Perez PAMANA (P 300,000), 3. Sunrise Travelling Rice Mill (P300,000), 4. Linangkob Gen. Mdse. PAMANA (P300,000), 5. BNB Agrivet Supply (P300,000), 6. Marbelous PAMANA (P300,000), 7. Matatag na Tindahan PAMANA (P300,000), 8. Birada Mapiya PWD SLP(P450,000), 9. Mua-an Bagong Buhay (P345,000), 10. Lanao Partners for Change Solo Parent (P450,000), 11. Amas PWD (P300,000), 12. Ginatilan PWD Kapit Kamay (P300,000), 13. Poblacion May Pag-asa PWD (P300,000), 14. Sudapin PWD (P300,000), 15. Magsaysay Solo Parents (P300,000), 16. Poblacion Solo Parents (P300,000), 17. Singao United Solo Parents (P300,000), 18. Sudapin Empowered Solo Parents (P250,000), 19. Amas Gabay (P225,000), 20. Nuangan Balik Pangarap (P300,000), 21. Poblacion OFW Entrepreneurs (P300,000).
Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD o DSWD-SLP na naglalayong tulungan ang nabanggit na bilang ng asosasyon na magsimula ng maliit na negosyo o palaguin ang kanilang nasimulang negosyo tulad ng agrivet supply, general merchandise, travelling rice mill, hog raising and fattening, events and party needs, tilapia and hito production, habang ang iba naman ay “pasalubong”center, school supplies and document printing, motor parts and services, at water-refilling station.
Ang SLP ay isang Capability Program ng DSWD na nagbibigay ng access o pagkakataon sa mga asosasyon na naitatag na mula pa noong taong 2019 at aktibo hanggang ngayon upang mapahusay at mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagkaroon ng sapat na kakayahan na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.