-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mayroon nang 21 kaso ng mga “variants of concern” ng COVID-19 virus ang Caraga region.

Batay sa report ng Department of Health – Centers for Health Development (DOH-CHD) – Caraga, resulta ng isinagawang whole genome sequencing sa mga samples na mula sa rehiyon ang COVID-19 variant cases.

Mula sa mgaito, 13 ang sinasabing nag-positibo sa B.1.351 variant, na unang nadiskubre sa South Africa. Nasa pito naman ang tinamaan ng B.1.1.7, na unang natuklasan sa United Kingdom.

Habang isa ang nag-positibo sa P.3, na isang “variant of interest” na nadiskubre sa Pilipinas.

Ang mga nag-positibo sa tinaguriang South Africa variant ay mula sa Surigao del Sur. Ang pito sa kanila ay mula sa Bislig City, apat ang taga-bayan ng Lianga, at tig-isa sa bayan ng Cortes at Tandag City.

Ang dalawa naman sa tinamaan ng tinaguriang UK variant ay mula sa bayan ng Barobo; isa sa bayan ng Lianga at Madrid. Mayroon ding mula sa Butuan City, at bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur.

Samantalang taga-Tandag City ang tinamaan ng P.3.

Ayon sa DOH-Caraga, 13 sa mga naitalang kaso ang travel history, habang walo ang may close contacts sa mga dating nag-positibo sa nasabing variant.

Dalawa sa mga nag-positibo sa South African variant ang namatay. Naka-confine naman sa ospital ang dalawa. -CJY