KALIBO, Aklan – Nakapagtala ng 21 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang lalawigan ng Aklan.
Ito ay base sa ipinalabas na kalatas ng Aklan Provincial Health Office kung saan limang kaso ng Delta variant ang na-detect sa bayan ng Kalibo, tatlo sa Numancia, tig-dalawa sa Banga, Ibajay, New Washington, Malinao at Madalag habang tig iisang kaso naman mula sa Nabas, Tangalan at Makato.
Sa nasabing bilang, 20 na sa mga ito ang tuluyang gumaling samantala ang isa ay namatay.
Ang Delta variant ay itinuturing na mas nakakahawa at nakamamatay na variant ng COVID-19 na unang na-detect sa India.
Dahil dito, mahigpit na pinaalalahanan ng health authorities ang publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa ipinapatupad na health and safety protocols upang makaiwas sa deadly virus.