CAUAYAN CITY- Patuloy na binabantayan ng Cagayan Valley Medical Center ang nasa 21 confirmed CoVID-19 Case na kasalukuyang nakaconfine pa rin sa pagamutan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center chief ng Cagayan Valley Medical Center, sinabi niya na naitala ang panibagong 3 positibo sa virus kahapon na pawang mga mula sa Tuguegarao City sa Cagayan.
Ang mga panibagong kaso ay isang 33 anyos na babae, na taga Carig Sur, Tuguegarao City, isang 44 anyos na lalaki mula sa Libag Sur, Tuguegarao City , at isang 45 anyos na babae na taga San Gabriel, Tuguegarao City.
Maliban sa 21 Positive patient ay binabantayain rin ng CVMC ang labing anim na suspected case.
Sa kabuuan ay umaabot na sa 14 ang kompirmadong kaso ng COVID 19 sa lalawigan lamang ng Cagayan.
Sa ngayon ay 2 severe case ang binabatayan ng mga doktor dahil sa pangangailangan ng oxygen dahil sa hirap sa paghinga, habang ang nalalabing labing siyam ay nasa mild to moderate condition.
Ang mga pasyente ay nanatiling naka isolate sa covid Isolation facility ng pagamutan upang maiwasan ang local transmission.
Sapat pa rin ang tustos ng personal protective equipment ng kanilang mga health workers sa kabila ng patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng CoVID- 19 sa region 2.
Isa ito sa mga pamamaraan para manatiling kampante at ligtas ang mga frontliners ng pagamutan gayunding matiyak na hindi maapektuhan ang trabaho ng mga nurses at medical workers ng CVMC.