-- Advertisements --
Ligtas ng nakauwi sa Pilipinas ang 21 Filipino seaferers na napaulat na nastranded dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Ukraine ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinalubong ng DFA ang pagdating ng 21 seaferers sakay ng MV S Breeze.
Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola tinulungan ng Honorary Consul Gaina ng Philippine Honorary Consultae sa Chisinau Moldova na ligtas na makatawid ang mga seaferers mula sa Ukraine patungong Moldova.
Dahil dito, nasa mahigit 50 Pilipino na ang naillikas simula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 24.
Nitong lunes nang ilagayng DFA sa level 4 ang Crisis alert level sa Ukraine para magpatupad ng mandatory evacuation sa mga Pilipino mula sa naturang bansa.