Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na may 21 na mga foreign investors ang nasa proseso na ng pagpaparehistro ng kanilang negosyo sa Pilipinas.
Nabangggit ito ng Pangulo sa kanyang naging talumpati para sa pagdiriwang ngayong Araw na ito ng Labor day.
Ang 21 mga foreign investors ay kasama Sabi ng Presidente sa halos 2 daang proyekto na inaabangan ng Department of Trade and Industry o DTI na nagkakahakaga ng apat na trilyong piso.
Sa ngayon ay may walong negosyo ayon sa Presidente ang umaarangkada na sa bansa na bunga ng mga naging biyahe ng Chief Executive.
Nabanggit din ng Pangulo ang pag- aapruba sa investment promotion agency na nagkakahalaga ng 1.7 trillion pesos investment na makapagbibigay ng trabaho SA may 1 Daan at walong libong mga Pilipino.