Patay ang 21 hostages at apat na tropa ng militar sa Pakistan matapos i-hijack ng mga militanteng grupo ng Baloch Liberation Army (BAL) ang isang pampasaherong train sa Quetta City.
Ayon sa mga awtoridad papunta sana ang naturang tren sa probinsya ng Khyber Pakhtunkhwa Pakistan na may lulan na 440 pasahero.
Kinumpirma naman ng militar na napatay nila ang 33 na mga militanteng grupo sa isang engkwentro.
Bago ang insidente una nang sinabi ng BAL na pinatay nila ang 50 pasahero noong Miyerkules ng gabi at hawak nila ang 214 katao, karamihan ay mga tauhan ng security personnel.
‘Today we freed a large number of people, including women and children … The final operation was carried out with great care,’ wika ni military spokesperson Ahmed Sharif Chaudhry.
Nagbanta rin ang mga ito na papatayin nila ang mga hostages maliban kung matutugunan ang kanilang mga kahilingan. Kabilang dito ang pagpapalaya sa mga Baloch political prisoners, aktibista, at mga nawawalang tao na kabilang sa kanilang mga dinukot.
Tugon naman ng Junior Interior Minister Talal Chaudhry na ang mga militante ay nagsusuot ng suicide vests habang nakaupo sa pagitan ng mga pasaherong hawak ang mga hostage, na nagpapahirap sa kanilang naging operasyon.