-- Advertisements --

Patay ang 21 inmates sa nangyaring riot sa dalawang bilangguan sa Equador sa gitna ng nararanasang ikalawang bugso ng karahasan na sa loob ng mga bilangguan.

Nangyari ang riot sa southwest province ng Guayas kung saan walong inmates ang nasawi habang tatlong police officials ang nasugatan.

Sa central Andean province ng Cotopaxi ay may 13 inmates ang namatay habang 35 mga bilanggo at anim na police officers ang sugatan.

Napag-alaman na pinigilan ng mga police at sundalo ang planadong pagtakas ng nasa 31 inmates.