-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) ng kabuuang 21 kaso ng pertussis, o whooping cough, sa apat na probinsya ng Bicol Region.
Mayroong limang clinical cases at anim na laboratory-confirmed cases ng pertussis na iniulat ng Department of Health sa Bicol Region.
Ang lalawigan na may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng pertussis ay ang Camarines Sur, na may naiulat na siyam na kaso, kabilang ang isang nasawi.
Ayon sa DOH Bicol CHD-Regional Epidemiology and Surveillance Unit, ang ilan pang mga lalawigang may kaso ng pertussis ay ang mga sumusunod:
- Camarines Sur: 9
- Albay: 6
- Sorsogon: 5
- Masbate: 1