-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nakakulong na sa Roxas City Police Station ang 21 indibidwal matapos na maaktuhang naglalaro ng billiard sa Barangay Bolo, Roxas City.

Ayon kay Police Captain Alcer Monsera, Team Leader ng Capiz Provincial Anti-Criminality Team (Capiz PROACT) nakatanggap umano sila ng impormasyon na mayroong grupo ng mga kalalakihan na naglalaro ng billiard na walang permit.

Kabilang sa mga naaresto ay ang 11b Capizeño na sina Arvie Alvarez, Mark Kenney Acla, Juan Dillo, Gabriel Labrador, Julius Quistadio, Kent Julius Qiluistadio, Joemarie Fegarido, Juan Paul Frial, Rusty Dela Cruz, Marlo Bunyag at Brian Coronado.

Maliban dito ay naaresto rin ang limang mga indibidwal mula sa lungsod ng Iloilo na sina Sebastian Pinol, Juan Vernie Laborro, Revic Longno, Romeo Pediuria at Antonio Porras.

Samantala, lima naman ang naaresto na pawang mga residente ng Antique na sina Jay Loui Flores, Jessie Dagumanpan, Reylan Sanggalan, Felix Paulino at Mark Ian Ureta.

Nabatid na walang permit o anumang mga dokumento na ipinakita ang naturang mga indibidwal sa mga otoridad.

Narekober ng mga pulis ang 2 billiard poles, 10 billiard balls, 2 cue cases, cue bridge, score board, cellphone at bet money na aabot sa P33,850.