-- Advertisements --
Aabot sa 21 katao ang nasawi sa naganap na airstrike na tumama sa mga sibilyan sa southern Sudan.
Sumiklab ang civil war sa pagitan ng mga sundalo sa mga militant groups.
Isinisi naman ng mga militar ang insidente sa paramilitary Rapid Support Forces (RSF).
Ang RSF kasi ay siyang may malaking kontrol sa nasabing lungsod.
Mula pa noong Abril 2023 ay nasa 18,000 katao na ang nasawi at mahigit 10 milyon residente naman ang lumikas na.