-- Advertisements --

Patay ang 21 katao matapos ang pananalasa ng malakas na bagyo sa Madagascar.

Nagdulot din ng pagkasira ng maraming mga kabahayan ang bagyong Batsirai.

Dahil sa lakas ng hangin ay nawalan ng tirahan ang mahigit 60,000 na katao ng dumaan ito sa Indian Ocean island.

Bukod sa mga kabahayan ay maraming mga pananim ang nasalanta.