-- Advertisements --

Pinatay ng semi-autonomous state ng Puntland sa Somali ang 21 kalalakihan dahil umano sa pagiging miyembro ng al-Shabab Islamist militants.

Hinatulan ang mga ito sa kanilang military court sa Galkayo at isinagawa ang pagpatay sa pamamagitan ng firing squad.

Sinasabing 18 sa kanila ang nagsagawa ng pagpatay at pambobomba ng ilang taon sa Somalia.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng pagpatay sa miyembro ng al-Shabab sa Puntland.