CENTRAL MINDANAO-Pormal nang tinanggap ni Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal ang dalawamput isang (21) na Bangka mula sa tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-12).
Ang pamamahagi ng mga motorized Bangka ng BFAR-12 ay bahagi ng Normalization Process ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation (MILF).
Sinabi ni Mayor Montawal na malaking tulong sa bayan ng Datu Montawal ang 21 bangka mula sa BFAR-12 na gagamitin nila sa anumang sakuna kagaya ng baha at mga pasyente na dadalhin sa mga pagamutan mula sa mga coastal area.
Ang ibang Bangka ay ibibigay sa grupo ng mga mangingisda at pwede rin sa transportasyon ng mga nakatira malapit sa Pulangi River at Liguasan Marsh.
Nagpasalamat naman ang Alkalde sa BFAR-12 sa tinanggap nilang mga Bangka at tiniyak nila na gagamitin ito sa mabuting paraan at sa pangangailangan ng taong bayan.