-- Advertisements --

Nadagdagan ng kabuuang 42 na mga puwesto ang Sangguniang Panlalawigan para sa darating na National at Local Elections sa susunod na taon, pagkumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) En banc.

Ang naturang pagdagdag ay ginawa dahil ang Department of Finance (DOF) ay inupdate ang income classification ng mga probinsya na magiging epektibo sa Enero 1, 2025.

Ito ang mga lugar na nadagdagan ng dalawang puwesto para sa Sangguniang Panlalawigan: Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Quirino, Aurora, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Guimaras, Siquijor, Biliran, Southern Leyte, Camiguin, Davao Occidental, Agusan del Norte, Dinagat Islands, Basilan, at Tawi-Tawi.

Ang bilang ng puwesto para sa Sangguniang Panlalawigan ay nakabase sa mga klasipikasyon ng probinsya sa ilalim ng Local Government Code. Nasa 21 na probinsiya ang dinagdagan dahil sa ginawang pagbabago.

Samantala, ang Maguindanao del Norte ay mababawasan ng board member seats para sa halalan sa susunod na taon dahil bumaba ang klasipikasyon ng naturang lugar.