ROXAS CITY – Kasalukuyang naka-hold sa barangay ng Punta Cogon, Roxas City ang 21 na indibidwal na taga-probinsya ng Masbate dahil sa umamoy ‘illegal entry’ sa lungsod ng Roxas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bryan Derder, isa sa naka-hold na pasahero, at residente sang Balud, Masbate, anya hindi nila alam na iligal ang kanilang pagpasok dahil nagrenta lang sila ng sakayan.
Sinabi din nito na dadaan lang sila sa Roxas dahil sa Iloilo ang mga ito pupunta para magbenta ng kanilang skin care products.
Giit pa nito na mga fully vaccinated na din sila dahilan na hindi nila inakala na ihohold sila sa nasabing barangay.
Inihayag din ni Brgy. Kgwd. Pastor Aguilos na ikinagulat nito kaninang umaga na may nakita itong sakayan na dumaong sa kanilang kadagatan na sakay ang mga pasahero.
Agad niya itong sinita dahil hindi sa kanilang barangay ang port sang lungsod, dito at sinabi ng mga pasahero na hindi nila alam na bawal ang kanilang pagpasok at inakalang walang problema dahil dadaanan lang naman ang mga ito sa Roxas City.
Dahil dito, minarapat ng Kgwd. na ireport sa CDRRMO at nakipagtulungan na din ang nasabing ahensya sa PCG-Capiz para sa nararapat na aksyon.